Inanunsiyo ng University of the Philippines (UP) na na-hacked ang kanilang Twitter account kung saan, pinalitan ng hindi kilalang hacker ang pangalan ng kanilang account ng isang japanese name.
Na-verify ang Twitter handle na @UPSYSTEM kung saan, naka-pin umano ang naturang account sa Tokyo, Japan na may pangalan na “Takashi Murakami” kung saan, nagpost pa umano ito ng selebrasyon ng isang game pero agad din itong binura.
Patuloy pang iniimbestigahan ng UP Media and Public Relations Office ang nasabing isyu.