Itinigil na ng isang gas industry company sa Russia ang kanilang pagsusuplay ng gas sa Poland at Bulgaria.
Kasunod ito ng naging pagtanggi ng dalawang bansa sa naging kautusan ni Russian President Vladimir Putin sa European countries na magbayad ng rubles para sa pagbili ng gas.
Sinabi ng Poland government na plano na nilang ihinto sa katapusan ngayon buwan ang pagsusuplay ng langis at hindi na i-e-extend pa ang gas contract sa energy giant na Gazprom na isa sa itinuturing na world’s biggest natural gas company sa buong bansa.
Ayon naman kay Bulgaria Energy Minister Alexander Nikolov, ang pagpapahinto sa suplay ng langis ay maituturing na paglabag sa kasalukuyang kontrata dahil nakapagbayad na umano sila para sa Russian gas deliveries ngayong buwan.
Sa ngayon, wala pang paliwanag ang Russia ukol sa naging pahayag ng Bulgaria. —sa panulat ni Angelica Doctolero