Tutugisin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga sangkot sa pagpapakalat ng “lewd videos” o malaswang video at litrato ng dalawang anak na babae ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan na niya ang NBI para imbestigahan, arestuhin, at sampahan ng mga kaso ang mga responsable sa naturang isyu.
Sinabi pa ni Guevarra na gumagawa na ng paraan ang Cybercrime division para matukoy ang salarin upang masampahan ng naaangkop na mga kaso dahil umano sa paglabag sa Section 3 at Section 12 ng Safe Spaces Act. o mas kilala na “bawal bastos law.” —sa panulat ni Angelica Doctolero