Tumaas nang mahigit P2.00 ang presyo ng bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, nasa limampung piso kada bag ang price increase sa bigas nang magsimula ang bugso sa serye ng oil price hike.
Sinabi ni Estavillo, na tumataas ang kada bag ng bigas dahil sa dagdag pasahe sa pampublikong transportasyon na ginagamit sa pagdeliver ng mga bigas.
Paliwanag pa ni Estavillo, naapektuhan din umano ang presyo ng nabanggit na produkto dahil sa talamak na smuggling ng mga produktong agriklultura maging ang importasyon ng bigas.
Mula sa dating tatlumput walong piso kada kilo ng bigas, ay umabot na sa apat na pung piso ang kada kilo nito. —sa panulat ni Angelica Doctolero