Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng dalawang police official na pagpipilian upang maging susunod na PNP Chief kapalit ng magreretirong si Gen. Dionardo Carlos.
Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año makaraang isumite ang naturang listahan kay Pangulong Duterte.
Inirekomenda ni Aֹño na pumalit kay Carlos sina PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Rhodel Sermonia, na number 2 man ng PNP at si Lt. Gen Vicente Danao na number 4 at kasalukuyang hepe ng PNP directorial staff.
Gayunman, magsisilbi lamang na acting chief PNP ang sinumang mapipili ng punong ehekutibo.
Sa Mayo 8 o bisperas ng araw ng halalan magreretiro sa serbisyo si Carlos, pagsapit ng kanyang mandatory retirement age na 56.
Samantala, irerekomenda rin ng kalihim ang posibleng pagpapalawig ng termino ni Carlos pero kailangan munang i-assess at hintayin ang kautusan ng pangulo.