Nag-withdraw na ng kanyang kandidatura sa pagka-senador sa May 9 Elections si House Deputy Speaker Rodante Marcoleta.
Nagpasya si Marcoleta na umatras labindalawang araw bago ang nasabing halalan at kahit napasama na ang kanyang pangalan sa Overseas at Local Absentee Voting.
Kinumpirma ni COMELEC Commissioner George Garcia ang naturang impormasyon kahapon at ipinaliwanag na ang mga boto para kay Marcoleta sa May 9 ay ituturing na wala.
Si Marcoleta ay tumatakbo sa ilalim ng Uniteam nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Batya sa Pulse Asia Survey noong April 6, nasa 24th hanggang 30th rank ang kongresista sa mga kandidato sa pagka-senador. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)