Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa Shanghai, China.
Ayon kay Philippine Consul General Josel Ignacio, lima sa mga ito ang na-discharge na sa mga ospital.
Tanging ang health authorities sa lugar ang may access sa COVID patients doon.
Aniya, ilan sa mga Pinoy doon ay nais nang bumalik sa Pilipinas ngunit hindi nila magawa dahil sa ipnatutupad na travel restrictions.
Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magkakaloob ang pamahalaan ng 200 dollars o mahigit 10,000 pesos na financial assistance sa bawat Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng COVID-19 lockdown sa Shanghai.