Asahan pa rin ang makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Luzon partikular na sa Palawan at Kalayaan Islands.
Magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon maliban na lamang sa isolated rain showers o thunderstorms.
Patuloy naman ang makulimlim na panahon sa Zamboanga area habang makakaranas ng maaliwalas na panahon ang buong bahagi ng Visayas at nalalabing bahagi pa ng Mindanao.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, mas magiging matindi ang mararanasang init ng panahon kaya panatilihin ang pag-inom ng tubig at pagdadala ng payong at iba pang panlaban sa matinding sikat ng araw upang maiwasan ang dehydration at heatstroke.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26 hanggang 35 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:34 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:12 ng hapon.