Naitala ang magnitude 5.1 na lindol ang ang bayan ng Santa Monica, Surigao Del Norte kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang lindol bandang 7:42 ng Huwebes at natunton ang epicenter nito sa layong 16 kilometers ng Timog-Silangan ng Burgos, Surigao Del Norte.
Nabatid na tectonic ang origin ng pagyanig at may depth of focus na 23 kilometers.
Naitala ang intensity III sa Surigao City, at San Francisco, Southern Leyte; instrumental intensity II sa Bayugan City, Agusan Del Sur; Julita, La Paz, At Palo, Leyte; at instrumental intensity I naman sa Dulag, Leyte.
Naramdaman ang instrumental intensity III sa Surigao City; San Francisco, Southern Leyte; intensity II sa Abuyog at Hilongos, Leyte; Saint Bernard, Southern Leyte; Cabadbaran City, Agusan Del Norte; at intensity I sa Dulag at Palo, Leyte; Sogod, Southern Leyte; at Gingoog City, Misamis Oriental.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala namang inaasahang pinsala kasunod ng lindol subalit posible ang aftershocks.