Hiniling ng Department of Education (DEPED) ang mga eskwelahan na kumuha ng parental consent para sa mga estudyanteng makikibahagi sa Face to Face End of School Year o Eosy Rites.
Kabilang ito sa guidelines ng DEPED para sa pagdaraos ng limited in person ceremonies.
Sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, nakasalalay pa rin sa desisyon ng magulang kung padadaluhin nito ang anak sa Eosy Rites.
Ipinunto pa niya na tanging mga eskwelahan pa rin sa ilalim ng Alert level 1 at 2 ang pinapayagang magsagawa ng face to face graduation.
Dapat din aniya na pairalin ang mga ipinatutupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.