Pinaplano na ng provincial government ng Aklan ang paglalagay ng limitasyon sa mga turistang bumibisita sa Boracay.
Kasunod ito ng paglagpas sa dapat na kapasidad ng bilang ng mga dayuhang dumarating sa Isla.
Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, hindi na muna maglalabas ng quick response codes o QR codes ang lokal na pamahalaan sa mga turista, upang makontrol ang mga dumarating.
Inilalabas ang QR code matapos ang pagpapasa ng requirements kasama ang confirmed hotel reservations at negatibong swab test result o vaccination certificates.
Sa ngayon, wala pang eksaktong petsa kung kailan sisimula ang plano.