Inihayag ng Philippine Genome Center (PGC) na hindi Delta kundi Omicron ang pinakadominante na COVID-19 variant sa Pilipinas.
Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma na simula noong katapusan ng December 2021 hanggang ngayon ay Omicron pa rin ang dominant variant sa bansa.
Dagdag pa ni Saloma na sa mga Omicron variants, pinakamaraming nadiskubreng kaso ay ang BA.2.3 Omicron Sublineage Base sa pinakahuling resulta ng genome sequencing.
Kumakalat ang Omicron BA.2.3 sa ibang bansa gaya ng Denmark, China at Japan.
Samantala, ipinabatid ni Saloma na kakaunti lamang na Delta cases ang na-detect sa pagitan ng buwan ng Marso at Abril.