Umakyat pa sa 137, 287 trabaho sa Pilipinas at sa abroad ang naghihintay para sa mga aplikante sa 66 na fair sites sa buong bansa.
Gaganapin ito bukas bilang paggunita ng ika-120 Labor Day sa bansa.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 900 employers ang kasama sa programa na mag-aalok ng 87, 175 local jobs at 47, 142 overseas jobs.
Karamihan sa mga job vacancies ang Business Process Outsourcing, Manufacturing, Retail o Sales Industry, Production o Machine Operator, Customer Service Representatives, Sales Agents, Promodisers at iba.
Kabilang naman sa mga trabahong alok ng ibang bansa ang Nurse, Karpintero, Foreman, Welder, Food Server, Household Service Worker at Auditor.