Wala pang eksaktong petsa kung kailan mailalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBS) ang desisyon hinggil sa hirit na umento sa sahod ng mga manggagawa.
Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Spokesman Rolly Francia kung saan patuloy pang umuusad ang proseso sa wage boards.
Una nang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na pinamamadali na niya sa wage boards ang pagdedesisyon sa wage increase petitions ng mga manggagawa.
Ito’y sa gitna pa rin ng mataas na presyo ng bilihin dahil sa serye ng oil price hike.