Dapat talakayin ng iba’t ibang bansa sa gagawing Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit ang mga planong nakalatag para labanan ang climate change.
Ito ang panawagan ng United Nations sa isinagawang Climate Vulnerable Forum na isinagawa rito sa Pilipinas.
Ayon kay Haoling Xu, Director ng Regional Bureau for Asia and the Pacific ng UN Development Programme, mahalagang tiyakin ang kahandaan ng tao gayundin ng mga imprastraktura sa pagtama ng mga kalamidad.
Binigyang diin ng opisyal na walang paglago ng ekonomiya kung hindi magiging matatag ang isang bansa laban sa mga sakuna.
Inihalimbawa pa ni Hao ang Pilipinas na mabilis na nakabangon sa pinsalang idinulot ng super bagyong Yolanda noong 2013.
By Jaymark Dagala