Dapat na magkaroon ng 15 libong pisong direct subsidy mula sa gobyerno ang mga magsasaka para matugunan ang tumataas na gastos sa produksyon ng palay.
Ito ang ipinanawagan ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo na hindi aniya sapat ang 10 billion pesos Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng Rice Tarrification Law.
Sa kabila ng mataas na gastos sa produksyon ng palay ay kanila pa rin itong ibinibenta sa mas mababang presyo dahil sa pagdagsa ng mga imported na bigas.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng limang libong piso na ayuda sa mga magsasaka.