Kalaboso ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos mahulihan ng mahigit isang daang libong pisong halaga ng umano’y shabu sa Canada St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Ang magkapatid na sina Ramon Alcatin Villoga at Mary Grace Alcatin Villoga ay nahuli ng mga kagawad ng Parañaque City Police SDEU o Station Drug Enforcement Unit.
Maliban sa isang libong pisong buy-bust money, nasabat din sa operasyon ang 102,000 pesos na halaga ng umano’y shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.