Nakiisa ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng Women’s Right to Suffrage.
Dahil dito, ipinaalala ng komisyon ang naging papel ng mga kababaihan upang makaboto sa pamamagitian ng plebisito noong Abril a-30, 1937.
Nagsilbi ang araw na ito bilang paalala na ang kababaihan ay may aktibong papel sa lipunan.
Bukod sa karapatang mamili ng lider, napatunayan rin ng mga Pilipina ang kakayang mamuno ayon sa CHR.