Nagpositibo sa red tide toxins ang anim na baybayin sa Pilipinas.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kinabibilangan ito ng; Bolinao sa Pangasinan, Milagros sa Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur, Litalit Bay sa San Benito, Surigao Del Norte at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Dahil sa kautusan, mahigpit nang ipinagbabawal na manghuli, magbenta at kumain ng mga lamang dagat dahil peligroso ito sa kalusugan dulot ng paralytic shellfish poison (PSP).
Ligtas namang kainin ng tao ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t nahugasan ng maayos bago lutuin.