Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 240 bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 3, 685, 643 na ang kabuuang kaso sa bansa.
Patuloy namang bumaba ang bilang ng aktibong kaso, na nasa 7, 165 na ngayon mula sa 8, 389 nitong Biyernes.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 ay ang; NCR na may 1, 041, Region 4-A na may 379 at Region 3 na may 227.
Umakyat naman sa 3, 618, 137 ang bilang ng gumaling at 60, 341 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.