Maraming tao ang mahilig sa kape lalo na ang mga kailangang magising at magpuyat.
Pero ayon sa mga doktor, bagama’t may mga magandang idudulot ang pag-inom ng kape, kapag nasobrahan ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan. Ito ang mga sumusunod;
- Anxiety, palpitation at anger outburst. Mabilis nerbyosin, kabahan, iritable at nagiging magagalitin. Ang kape ay isang central nervous system stimulant. Nagdudulot ito ng pagalabas ng adrenaline, dopamine at glutamate na nagdudulot ng fight or flight response sa ating katawan. para maiwasan ito, maaaring uminom ng decaf na kape.
- Aantukin ka sa umaga matapos uminom ng maraming kape sa gabi. Kapag nawala na ang epekto ng kape sa katawan, aantukin ka at manghihina.
- Madalas kang maiihi kaya pwedeng madehydrate. Ang kape ay diuretic o pampaihi. Siguruhin na kapag uminom ka ng kape ay uminom ka rin ng tubig upang hindi ka madehydrate.
- Maaaring magtae o mas dumalas ang pagtae dahil ang kape ay laxative sa halos 30% ng mga tao.
- Nakakasira sa dami at kalidad ng tulog ang pag-inom ng kape. maaari nitong sirain ang iyong biological clock.
Kaya laging payo ng marami, uminom ng kape pero tandaan ang katagang drink responsibly!