Naipaalam na ni Climate Change Commission Secretary Robert Borje sa Global Green Growth Institute (GGGI) ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ang hustisya ng mga itinuturing na vulnerable developing nations tulad ng Pilipinas mula sa mga mayayamang bansa na nagpapalala sa problema ng climate change sa mundo.
Ayon kay Borje kanyang naiparating ang posisyon ng pangulo sa ginawa nitong pakikipag-pulong kina dating UN Secretary-General Ban Ki-Moon na siyang kasalukuyang presidente at chairman ngayon ng GGGI.
Sinabi ng Kalihim, na kanilang binigyang-diin kay ban ang kagustuhan ng chief executive na maisulong ang climate financing para sa mga bansang apektado ng climate change kahit hindi naman ito nagbubuga ng carbon emissions, kung saan isa na dito ang Pilipinas.
Naipaabot na aniya nila ang mensahe ng punong ehekutibo hinggil sa hinihigi nitong climate change damage compensation o financial support mula sa mga industrialized countries na nagbubuga ng malaking porsyento ng carbon emissions na nakakasira sa kalikasan.