Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na mauulit pa ang seven-hour delay sa pag-transmit ng resulta ng boto ngayong May 9 elections gaya ng nangyari noong 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, sa ngayon kasi ay sapat na ang transparency server para sa darating na halalan.
Maliban dito, nagpalit na rin sila ng terms of reference para sa transmission of votes sa mga media server.
Sa katunayan aniya, nagsagawa na sila ng stress test kung saan 50,000 o 100,000 boto ang kanilang dire-diretsong ipinadala sa media server at wala silang nakitang anumang pagpalya.