Pinaigting pa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang pagbabantay sa labas ng US Embassy sa Roxas Blvd.
Ito ay kaugnay sa inaasahang kilos-protesta ng ilang grupo ngayong Labor Day.
Bantay-sarado rin ng naturang ahensya ang Liwasang Bonifacio at tapat ng Philippine Postal Office sa Maynila.
Samantala, nag-deploy ng command post ang MPD upang masubaybayan ang ilang aktibidad ng grupo ng mga manggagawa.