Ilang araw bago ang halalan, umabot na sa 60 toneladang campaign materials ang nakolekta ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa gitna ng operation baklas na ipinatupad sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Pinangunahan ng Commission on Elections (Comelec) ang naturang operasyon katuwang ang mga tauhan MMDA, Metro Manila Local Government Units, at Philippine National Police (PNP).
Karamihan sa mga binaklas ang mga tarpaulins, posters, at iba pang election paraphernalia na nakasabit sa mga poste, puno, kawad ng kuryente at linya ng telepono.
Ayon mga nabanggit na ahensya, magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa mga kandidato at mga taga-suporta na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan ng mga campaign materials sa mga ng designated areas.