Sugatan ang anim na indibidwal sa magkahiwalay na aksidente sa Benguet matapos mahulog sa bangin ang isang sasakyan habang bumaligtad naman sa kalsada ang isa pa.
Unang naitala ang aksidente sa siyudad ng Baguio matapos mawalan ng kontrol ang isang sasakyan sakay ang tatlong pasahero at nag-resulta ng pagkakabangga sa concrete canal at diretsong nahulog sa ilog na may lalim na 50 ft. mula sa tulay.
Nagpapagaling na sa pagamutan ang tatlong sugatan na sina Marlon Paras Tolentino, 36-anyos; Gabriel Del Mundo, 22-anyos; at Jared Gonzales Ladson, 25-anyos.
Samantala, sugatan naman sa Benguet ang tatlong senior citizen, matapos namang mabangga ang sinasakyang SUV sa Caliking, Atok, Benguet.
Sa imbestigasyon ng Atok Municipal Police Station, binabagtas ng nasabing sasakyan ang kalsada papuntang La Trinidad nang antukin ang driver kaya bumangga ito sa gilid ng kalsada na nagresulta naman ng pagbaliktad ng sasakyan.
Nagpapagamot na sa ospital ang mga bikitimang sina Roberto Saguid Aritao, 63 years old; Conchita Pol-Oc Aritao, 61 years old at Annie Laoyan Binay-An, 68 years old.