Nananatili sa kanilang puwesto sina COMELEC Directors James Jimenez at Frances Arabe.
Ayon ito kay COMELEC Commissioner George Garcia sa kabila ng rekomendasyon ni Commissioner Rey Bulay na sibakin sina Jimenez at Arabe habang iniimbestigahan pa ang nakanselang huling presidential at vice presidentiable townhall debates.
Sinabi ni Garcia na wala pang aksyon si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa nasabing rekomendasyon ni Bulay.
Muling tiniyak ni Garcia na hindi makakaapekto ang usapin sa paghahanda ng COMELEC sa May 9 elections o isang linggo na lamang mula ngayon. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)