Isang linggo bago sumapit ang May 9 elections, inihayag ng Philippine National Police (PNP) na may kabuuang 52 naiulat na insidente ng election-related violence sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, sa nasabing bilang ay 28 insidente ang kumpirmadong walang kaugnayan sa eleksyon, habang 14 pa ang iniimbestigahan.
Sa ngayon aniya ay 10 lamang sa mga naiulat na insidente ang kumpirmadong may kinalaman sa halalan, kung saan apat ay mula sa Ilocos Region, tatlo mula sa Zamboanga, at tig-isa mula sa Central Luzon, Northern Mindanao, at Cordillera.
Sinabi pa ni Fajardo na magtatalaga ang pnp ng mga tauhan nito sa mga polling center at COMELEC checkpoints para sa seguridad ng Eleksyon 2022.