Wala pang nakikita ang Department of Health (DOH) na pangangailangan para bigyang prayoridad ang pagtuturok ng 2nd booster dose sa mga polling precinct officers na magsisilbi sa eleksyon at para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mahalaga lamang ay masigurong fully vaccinated at mayroong 1st dose ang mga election officers na nasa loob ng polling precinct.
Aniya, naniniwala syang sapat na ito upang maprotektahan ang mga nasabing indibidwal laban sa virus lalo nat hindi naman aniya sila kabilang sa mga immunocompromised individuals.
Samantala, sinabi ni Cabotaje na para sa mga OFW ay ipaliliwanag nila sa Health Technology Assessment Council (HTAC) ang kahalagahan ng pagbibigay ng 2nd booster sa mga OFW. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)