Itutuloy ng Commission on Elections (COMELEC) ang panel interview na nakatakda mula bukas, May 3 hanggang 6.
Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia kahit aniya tumanggi ang ilang kandidato sa pagkapangulo at bise presidente dahil sa conflict sa iskedyul.
Paliwanag pa niya na ang panel interview ay hindi lamang para sa isa, dalawa o tatlong kandidato sa halip ito’y para sa lahat.
Maliban dito, sinabi ni Garcia na obligasyon nila ito sa mga Pilipino na makilala ang kanilang kandidato.
Nabatid na kabilang sa mga lalahok na presidential bets sa naturang interview sina former Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, Labor Leader Leody De Guzman, former Defense Secretary Norberto Gonzales, businessman Faisal Mangondato, Cardiologist Dr. Jose Montemayor Jr. At Senator Manny Pacquiao.
Kasama rin sina vice presidential bet Senate President Vicente Sotto III, Rizalito David, Manny Lopez at Carlos Serapio.