Inaasahan ng Department of Tourism (DOT) ang pagtaas ng bilang ng tourist arrivals sa mga darating na buwan matapos magbukas ng mas maraming biyahe ang Clark International Airport ngayong araw.
Nabatid na ang bagong passenger terminal ng paliparan na tinaguriang bagong world-class gateway ay magsisilbi bilang domestic at international flights.
Kasama sa mga bagong air carriers ang dalawang pinakamalaking airlines ng South Korea.
Mag-o-operate rin sa naturang terminal ang ilang local air carriers tulad ng Cebu Pacific at Philippine Airlines.
Kumpiyansa naman ang DOT na malaki ang maitutulong ng pagbubukas ng nasabing terminal para makabangon ang sektor sa epekto ng pandemya sa COVID-19.