Nakahanda na ang protocol para sa pagdating ng mga world leaders na dadalo sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa bansa.
Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, Director General ng APEC National Organizing Council (NOC), malaking hamon sa kanila kung paano gawing smooth sailing ang lahat sa halos sabay-sabay na pagdating ng mga world leaders.
Minuto lang ang pagitan nang pagdating ng mga lider ng APEC members, lalo na sa Martes, November 17.
Nagtalaga na nang limang arrival points sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang arrival point 1, 2 at 4 ang siyang nakatalaga sa mga malalaking eroplano na sasakyan ng world leaders.
Kalahati sa mga darating na lider ay mula pa sa G20 Summit sa Turkey.
Pagkatapos ng APEC Meeting, kalahati sa mga world leaders ay didiretso naman ng Malaysia para sa ASEAN Meeting.
Sa araw ng Linggo, November 15, darating ang lider ng Chile habang sa Lunes naman, November 16 ang pagdating ng lider ng Colombia, Chinese Taipei at Papua New Guinea.
Sa November 17 ang dating ng mga lider ng Vietnam, Mexico, Malaysia, Hong Kong, South Korea, Australia, Canada, New Zealand, Japan, Brunei, Thailand at ni U.S. President Barack Obama.
Darating naman sa November 18 ang lider ng Singapore.
By Mariboy Ysibido