Nais ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gawing holiday para sa government agencies ang May 9 hanggang 11.
Paliwanag ng NGCP, ito ay upang matiyak ang sapat na kuryente sa pag-transmit ng mga boto sa halalan.
Nilinaw naman ng ahensya na mayroong sapat na power supply sa bansa basta’t hindi magkakaroon ng aberya sa mga planta.
Sa kabila nito, hinimok ng NGCP ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.
Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na manipis pa rin ang suplay ng kuryente at kinakailangang mayroong back-up.