Sa kabila ng hindi paglalaro ng Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na Southeast Asian Games ay mananatili parin siyang mahalagang bahagi ng National Team Program.
Nabatid na hindi kasama si Sotto sa pool ng mga players na tinawag ni Head Coach Chot Reyes na maging kinatawan ng bansa sa 31st Sea Games na gaganapin ngayong buwan.
Samantala, nilinaw naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Deputy Executive Director Butch Antonio na plinano talaga nilang maging bahagi si Kai sa Gilas Pilipinas Program, maging sa Fiba Basketball World Cup sa 2023.
Sa kabilang dako, matapos na opisyal nang ipasa ang kanyang pangalan sa proceedings ay inaasahan nang itutuon ni Sotto ang kanyang buong atensyon sa paghahanda para sa NBA Rookie Draft.