Aminado ang Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) na inaasahan na nilang susulpot ang mga iligal na operasyon ng e-sabong.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng nabanggit na sugal.
Ayon kay PAGCOR Vice President Jose “Joey” Tria Junior, dahil wala ng regulatory body na mangangasiwa ay hindi imposibleng maglitawan ang iligal na operasyon ng online talpakan.
Mawawalan din anya ang gobyerno ng 640 million pesos na kita mula sa e-sabong ngayong buwan.
Bagaman may ibang sources pa namang pinagkukunan ang PAGCOR, naniniwala si Tria na maaaring buhayin ang e-sabong sa susunod na administrasyon.