Asahan na ang tapyas presyo sa tinapay at maging sa instant noodles sa mga susunod na araw.
Ito ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victorio Dimagiba ay kasunod din nang pagbaba ng presyo ng trigo sa World Market.
Sinabi ni Dimagiba na ang presyo ng tinapay ay posibleng bumaba ng P0.50 hanggang P1 kada loaf.
Ang Pinoy tasty ay kasalukuyang mabibili sa P36 pesos kada loaf samantalang ang Pinoy pandesal ay mabibili sa P22 kada pack.
Bukod dito, ipinabatid ni Dimagiba na hiniling nila sa community bakeries na dagdagan ng isa ang kada sampung pirasong pack ng pandesal sa parehong presyo.
Mahigpit aniyang minomonitor ng DTI ang pagbaba ng presyo ng trigo simula noong buwan pa ng Hulyo para maisulong ang kinauukulang tapyas presyo rin sa mga produktong ginagamitan nito partikular ang tinapay.
By Judith Larino