Naiturn-over na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 11 bilyong pisong halaga ng shabu na nakumpiska sa 10 drug courier sa Brgy. Comon, bayan ng Infanta, Quezon.
Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor, sa ikinasang Task Force Against Illegal Drugs, aabot sa mahigit 1,800 gramo ng shabu ang nakumpiska sa 3 commuter vans.
Isinailalim na sa inquest proceedings sa Office of Prosecutor sa Infanta, Quezon ang 10 akusado na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.