Bumaba sa 3.71 million Filipino ang unemployed noong 2021, na nagresulta sa unemployment rate na 7.8%.
Kumpara ito sa 4.5 million unemployed noong isang taon na pinaka-mataas naman sa nakalipas na 15 taon dahil sa napakahabang Covid-19 lockdowns.
Gayunman, nananatiling mataas ang unemployment kaysa sa 2.3 million noong 2019 o pre-pandemic level, batay sa preliminary 2021 annual labor market statistics ng Philippine Statistics Authority.
Ayon sa PSA aabot sa 47.7 million o 63.3% ng mga pinoy sa labor force population ang nakibahagi sa jobs market o nagtrabaho.
Bumaba naman ito sa 61.3% noong isang taon bunsod ng kaliwa’t kanang Covid-19 lockdown at pagsasara ng maraming negosyo.
Pawang taga-Northern Mindanao, lalo sa Bukidnon ang pinaka-aktibo sa job market habang ang Central Luzon ang may pinaka-mababang labor force participation noong 2021.
Noon namang 2020, tanging 43.9 million o 59.5% ng 73.7 million Filipino sa labor force population ang nagtatrabaho o aktibong naghanap ng trabaho sa gitna ng Covid-19 restrictions.