Sumadsad na sa 4,692 ang aktibong kaso ng covid-19 sa bansa, hanggang kahapon mula sa 5,145 noong Martes.
Sa datos noong May 4, nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 159 Covid-19 cases kumpara sa 134 new cases noong May 3.
Nasa 16,889 individuals naman ang sumailalim sa test noong Martes.
Sa ngayon aabot na sa 3,686,375 na ang Covid-19 cases sa bansa, kabilang ang 3,621,244 recoveries at 60,439 deaths.