Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa araw ng halalan kung walang planta na magkakaaberya.
Ayon kay NGCP Spokesperson Attorney Cynthia Mutya Alabanza, walang maintenance shotdown na naka-iskedyul sa kahit anong planta sa bansa sa mga susunod na araw.
Gayunpaman, naghahanda na aniya ang kanilang tanggapan sakaling magkaroon ng aberya.
Samantala, hinihintay ng NGCP ang tugon ng gobyerno sa kanilang rekomendasyon na magdeklara ng holiday sa mga tanggapan ng pamahalaan sa May 9 para magkaroon ng mas malaking availability sa suplay ng kuryente.