Inihayag ng Manila Police District o MPD na naka-full alert na ang kanilang ahensya at nag-umpisa na ring magdeploy ng kapulisan sa mga areas concern.
Ayon kay Mobile Force Battalion Commander na si Police Colonel Julius Añonuevo, nagkaroon ng inspeksyon ang mga pulis sa Quirino Grandstand upang siguraduhing magagampanan nito ang kanilang tungkulin para sa maayos na botohan sa Maynila.
Sinabi pa ni Añonuevo na handa na rin ang mga kagamitan ng MPD tulad ng mobility support kung saan ilan sa mga tungkulin ng ahenysa ang pagtulong sa paghahatid ng mga tao at matiyak ang kaayusan ng vote counting machines (VCMs) sa mga presinto.
Samantala, nasa 5,000 mga pulis ang itinalaga sa lungsod ng Maynila para sa naturang halalan.