Naka-wheel chair ngayon si Pope Francis matapos magka-torn ligaments sa tuhod.
Nabatid na binisita ng Santo Papa ang mga dumalo sa aktibidad sa Vatican City kung saan, marami ang umalalay sa kaniya habang nakasakay sa isang wheel chair.
Matatandaang noong nakaraang buwan, ay nakaranas si Pope Francis ng labis na pananakit ng kaniyang tuhod dahilan para siya ay gumamit ng painkillers na naging sanhi naman ng paglimita sa kaniyang paglalakad.
Ayon sa personal doctor ni Pope Francis, matatagalan pa ang kaniyang paggaling dahil na rin sa kaniyang edad.