Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na luma na ang mga Vote Counting Machines (VCMS) na gagamitin para sa 2022 national and local elections o comelec.
Kasunod ito na naiulat ng mga field office na bumigay ang ilang mga vcm sa gitna ng final at sealing testing.
Ayon kay COMELEC Commisioner George Garcia, agad na dinala sa mga itinalagang repair hubs ang mga nasirang VCM upang ayusin at muling magamit sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo a-nueve.
Sinabi ni Garcia na magtatalaga ang kanilang ahensya ng repair hub personnel upang mabilis na maayos sakaling magka-aberya sa mga VCM.
Bukod pa dito, magkakaroon din ng reserbang makina na pwedeng ipalit sa mga bumigay na VCM.
Iginiit naman ni Garcia na ang mga lumang VCM na gagamitin ay dumaan sa pagsusuri upang magamit sa darating na Lunes.