Itinalaga na bilang Officer-In-Charge ng Philippine National Police si Lt. Gen. Vicente Danao Jr., kapalit ni Gen. Dionardo Carlos.
Mag-reretiro sa Mayo a – otso si Carlos kasabay ng kanyang ika-56 na kaarawan o mandatory retirement age.
Kinumpirma ni acting Presidential Spokesman at Presidential Communications Secretary Martin Andanar na epektibo ang appointment kay Danao, simula Mayo a – otso o bisperas ng halalan.
Si Danao, na number 4 man sa PNP bilang hepe ng PNP Directorial staff at nag-take over bilang Deputy Chief of Operations, ang Commander ng PNP Security Task Force for National and Local Elections 2022.
Kumpiyansa anya ang palasyo na ipagpapatuloy ni Danao ang mga hakbang sa pagbabagong-anyo ng PNP upang maging mas epektibo at propesyunal na organisasyon na may mandatong paglingkuran at protektahan ang mga mamamayan.
Si Danao ang magiging ika-27 pinuno ng pambansang pulisya at ika-walong PNP Chief na itinalaga ng kanyang kapwa Davaoeño na si Pangulong Rodrigo Duterte.