Pinakakasuhan na ng Makati City Prosecutor’s Office sa korte ang tinaguriang Poblacion Girl na si Gwyneth Anne Chua matapos ang paglabag nito sa COVID-19 quarantine protocols noong Disyembre.
Nakitaan ng prosekusyon ng probable cause para kasuhan si Chua ng paglabag sa Republic Act 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.
Bukod kay Poblacion Girl, kinasuhan din ang guwardya ng Berjaya Hotel sa makati matapos tulungang makatakas sa quarantine facility ang Pinay balikbayan.
Bagaman kinasuhan ang iba pang empleyado ng hotel maging ang mga magulang at boyfriend ni Chua, binasura ito dahil sa kawalan ng sapat na dahilan at ebidensya.
Disyembre a–23 noong isang taon, nakitang naki-party si Chua sa Poblacion, makati na dalawang araw pa lamang sa kanyang mandatory quarantine sa hotel matapos na dumating mula sa US.
Matapos nito ay nag-positibo si Poblacion Girl sa COVID-19 at nakapanghawa ng 15 nakasama sa party sa kasagsagan ng pagkalat noon ng Omicron variant. - sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)