Top choice pa rin para sa vice presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio, base sa pinaka-huling resulta ng “Tugon ng Masa Survey” ng OCTA Research group na isinagawa noong April 22 hanggang 25.
Nakakuha si Mayor Inday ng 56% preference votes kumpara sa 57% noong April 2 hanggang 6 survey.
Pinakamataas na score ang nakuha ni Duterte-Carpio sa Mindanao, 82%; Visayas, 61%; Balanced Luzon, 49% at National Capital Region, 48%.
Pumapangalawa pa rin sa survey si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, 22% kumpara sa 23% noong nakaraang survey.
Tumaas naman sa 16% mula sa dating 12% ang kanyang pamangking si Senator Francis “Kiko” Pangilinan; Dr. Willie Ong, 4%; House Deputy Speaker Lito Atienza, 1%;
Manny Lopez, .1%; Dating Congressman Walden Bello, 0.03% at Carlos Serapio, 0.001%.
Samantala, nangunguna pa rin ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa senatorial survey ng OCTA, na mayroong 63%.