Isa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Integrated Provincial Health Office, ang nasabing pasyente ay nasa bayan ng Gumaca.
Samantala, dalawang siyudad at 28 munisipalidad sa lalawigan ay COVID-19 free na.
Hanggang nitong huwebes, nakapagtala ang lalawigan ng Quezon ng 32,861 COVID-19 cases, 31,300 recoveries, at 1,560 deaths.