Nagpalipas ng gabi ang ilang botante sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para makauwi sa kanilang probinsya bago mag-eleksyon.
Ayon sa ilang mga pasahero, pumunta sila ng maaga sa nabanggit na terminal upang maiwasan ang pagdagsa ng mas maraming biyahero.
Nagpaalala naman si PITX Spokesperson Jason Salvador na tignan muna ang iskedyul ng mga biyahe bago lumuwas.
Samantala, umabot na sa mahigit 114K pasahero ang naitala kahapon at inaasahan pa ng pamunuan na dadami pa ito ngayong araw hanggang sa Linggo.