Dagsa na simula kahapon ang mga Pilipinong nais umuwi sa kanilang probinsya para makaboto sa darating na Halalan 2022.
Dahil dito, fully booked na ang karamihan sa mga bus.
Higit 100K pasahero ang dumagsa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mas mataas kumpara sa naitala noong Semana Santa.
Karamihan sa mga punuang bus ay ang biyaheng patungong Bicol region at Cavite.
Pinayuhan naman ang mga bus operators na kumuha ng special permit sa PITX at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Idineklarang special non-working holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng Lunes, Mayo a-9 para sa pagdaraos ng Halalan 2022.