Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga politikong nagbabalak na mandaya sa gaganaping eleksyon sa Lunes, Mayo a-nuebe.
Ayon kay PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., hindi sila magdadalawang-isip na ipatupad ng buong pwersa ang batas sakaling mahuli nila ang mga magdaraya.
Aniya, huwag lamang magkakamali ang mga ito dahil may lugar nang nakalaan para sa mga mahuhuling politiko.
Samantala, aabot sa 225,000 strong police force ang ipapakalat ng PNP para tiyaking ligtas at mapayapa ang pagdaraos ng Halalan 2022.